DepEd recently announced their proposal to add 2 more years to basic education. The proposed program would apparently help produce more employable and skillful high-school graduates, given that they have a longer time to study. (Students, read their statements here.)
My take: YES, BUT!!!
Sana naman kung dadagdagan niyo ng 2 years ang basic education ay magformulate naman kayo ng magandang curriculum. Hindi yung paulit ulit at kung ano-ano lang ang ituturo niyo. Example pag nagturo kayo ng addition sa grade school, wag niyo ng ulitin sa high school. Alam na nila yon. A review is fine, pero wag ng isama pa sa exam.
Kung gusto niyo ng "more employable and skillful graduates", e magturo kayo ng cooking, accounting, basic programming o word processing. Yun bang mga magagamit nila para magkatrabaho. I admit, hindi ko nabasa yung Noli tska El Fili kaya hindi ko alam kung talagang madaming aral na mapupulot don.. Pero para sakin, madami pang mas importante at mas kapakipakinabang na pwedeng ituro sa mga bata kaysa sa baliw na naghahanap ng anak. Hindi naman siguro sila makakahanap ng trabaho kung saulado nila kung ano ang nangyari sa love story ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara.
No comments:
Post a Comment